top of page

MILG-BARMM, BINIGYANG PARANGAL ANG MGA LOKAL NA PAMAHALAAN SA REHIYON

Kate Dayawan | iNews | January 20, 2022

Courtesy: Bangsamoro Government



COTABATO CITY, PHILIPPINES - Matagumpay na naisagawa ng Ministry of the Interior and Local Government sa pamumuno ni Minister Atty. Naguib Sinarimbo ang “Pagkilala: Awarding Ceremony for BARMM LGUs” kahapon sa Shariff Kabunsuan Cultural Complex, Bangsamoro Government Center, Cotabato City bilang bahagi ng ika-tatlong anibersaryo ng BARMM.


Ang pagbibigay ng parangal sa mga lokal na pamahalaan ay paraan ng MILG upang kilalanin ang kanilang mga naging ambag sa pagpapatupad ng mga programa ng Bangsamoro Government at sa maayos na paghahatid ng serbisyo sa mga mamamayang Bangsamoro tungo sa kaayusan at kaunlaran ng kani-kanilang nasasakupan.


68 lokal na pamahalaan sa buong rehiyon ang nakatanggap ng Local Governance Functionality Appraisal Award, 10 naman ang nakatanggap ng Innovative Practices for 2020 award, dalawa ng pinarangalan ng LGAIP Program for 2021 award, 38 ang nakatanggap ng Anti-Drug Abuse Council Performance, 6 ang nakatanggap ng Salamat Excellence Award for Leadership, 24 ang binigyan ng Seal of Good Local Governance for Barangays, siyam ang binigyan ng Search for Model Barangays Award at 29 naman ang nakatanggap ng Lupang Tagamapayapa Incentive Award.


Bawat parangal ay may katumbas na insentibo at marker.


Isa sa mga lokal na pamahalaan na humakot ng mga parangal ay ang lokal na pamahalaan ng Parang sa probinsya ng Maguindanao.


Kabilang sa mga natanggap nitong parangal ay ang 2021 Local Governance Functionality Appraisal, 2020 LGU Grant Assistance for Innovative Practices dahil sa Comprehensive program nito para sa persons with disability, 2019 ADAC Performance Audit at 2020 ADAC Performance Audit.


Nakatanggap din ng Seal of Good Local Governance for Barangay ang Barangay Magsaysay, Nituan, Poblacion at Sarmiento ng Parang, Maguindanao.


Samantala, isa naman si Piagapo Vice Mayor Engr. Ali Sumandat sa anim na awardees ng Salamat Excellence Award for Leadership sa buong rehiyon ng Bangsamoro.


Natanggap nito ang 18 karat na medallion na nagkakahalaga ng 311 thousand pesos, isang plaque of recognition at 2.5 million pesos na halaga ng proyekto.


Ipinaabot naman ni BARMM Interim Chief Minister Ahod Balawag Ebrahim ang kanyang pagbati sa mga nakatanggap ng mga parangal at nangako na buo at patuloy itong susuport sa kung ano man ang mga programang ipinapatulad ng MILG para sa kapakapan ng bawat mamamayang Bangsamoro.

0 views
bottom of page