top of page

MILG-BARMM, MAGPAPATAYO NG REFORMATION CENTER PARA SA MGA DATING MIYEMBRO NG ABU SAYYAF GROUP


Photo Courtesy: Bangsamoro Government

PATIKUL, SULU -- Isang reformation center na nagkakahalaga ng P25-million ang nakatakdang ipatayo ng Ministry of Interior and Local Government – BARMM sa bayan ng Patikul, Sulu upang tulungan ang mga dating miyembro ng Abu Sayyaf Group na una nang sumuko at nagbalik-loob sa gobyerno.


Ayon kay Interior and Local Government Minister Atty. Naguib Sinarimbo, ang pagpapatayo ng nasabing pasilidad ay bahagi umano ng kanilang pangako sa Western Mindanao Command at ng Local Government ng Patikul bilang tulong sa pagbabagong buhay ng mga sumukong ASG.


Base sa record, ang Barangay Langhub ay kilala bilang teritoryo ng ASG, kung saan hirap itong pasukin ng militar dahil presensya ng grupo sa daanan.


Sa pamamagitan ng itatayong reformation center, isasailalim sa skills training ang mga dating ASG member kung saan kabilang na dito ang ideological belief orientation.


Siniguro rin ni Sinarimbo na ang pasilidad na ito ang magiging safe space ng maraming programa na ipapatupad upang masiguro na magiging produktibo ang mga ASG members sa kanilang pagbabalik sa komunidad.

1 view
bottom of page