Kate Dayawan | iNEWS Phils | March 14, 2022

Photo courtesy : Atty Naguib Sinarimbo
Cotabato City, Philippines - Araw ng Biyernes, March 11, pinangunahan ni Interior and Local Government Minister Atty. Naguib Sinarimbo ang groundbreaking ceremony para sa ipapatayong public market na nagkakahalaga ng 25 million pesos sa bayan ng Barira, Maguindanao.
Layon nito na mapalago ang ekonomiya at serbisyo ng gobyerno sa bayan.
Ang infrastructure project nito ay pinondohan sa ilalim ng Bangsamoro Local Economic Support Services (BLESS) program upang makapagbigay at mapagbuti ang Local Economic Enterprise infrastructure and supports facilities ng mga lokal na pamahalaan sa buong rehiyon.
Inaasahan na ang bagong public market sa Barira ay makakapag-operate ng income-generating income support upang pasiglahin ang paglago ng ekonomiya at aktibidad at makakapag-alok ng maraming oportunidad sa mga nasasakupan ng nasabing lugar.
Sinabi naman ni Minister Sinarimbo na bukod sa public market, makakaasa rin ang mga residente sa lugar ng iba pang mga infra-projects mula sa MILG.
End.