Fiona Fernandez I iMINDSPHILIPPINES

Nagka-engkwentro ang militar at mahigit dalawampung miyembro ng Communist Terrorist Group sa Barangay Ned, Lake Sebu, South Cotabato nitong October 12, 2022.
Sa ulat mula sa Western Mindanao Command, nagsasagawa ng combat operation ang tropa ng 5th Special Forces Battalion nang makasagupa ang mga CTG
Photo courtesy : WESMINCOM
members sa ilalim ni Manuel Fernandez, alyas Ampog ng Far South Mindanao Region.
Tumagal ng dalawampung minuto ang sagupaan at tuluyan ding nag withdraw ang nga terorista.
Habang sinusuri ang lugar, narekober ng tropa ang isang 5.56mm M16A1 rifle, mga magazine, samu't saring mga bala, propaganda materials, mga kagamitan sa kusina, iba pang kagamitang pangdigma, pagkain, at mga personal na gamit ng kaaway.
Walang naiulat na nasawi sa panig ng gobyerno, habang hindi pa matukoy ang mga nasawi sa panig ng kaaway.
End