Kristine Carzo | iNews | September 6, 2021
Cotabato city, Philippines - Isang sibilyan ang nasawi at tatlong sundalo ang sugatan nang magkasagupa ang militar mga miyembro ng NPA sa bayan ng Buldon, Maguindanao.
Sa report ng 6TH ID, a dos ng Setyembre, habang nagsasagawa ng clearing operation ang mga elemento ng Marine Battalion Landing Team-5 (MBLT-5) and 63rd Marine Company Force Reconnaisance Group (63MC, FRG) ng 1st Marine Brigade sa Sitio Kapatagan, Barangay Karim, Buldon, Maguindanao nakasagupa nga mga ito ang mga miyembro ng Local Guerilla Unit, Guerilla Front 53 at 56, Southern Mindanao Regional Committee sa ilalim ng Ka Aber Group.
Isang sibilyan ang nasawi, isa ang sugatan at dalawa pang sundalo ang sugatan din sa engkwentro. Limang miyembro din ng NPA ang inaresto ng militar.
Kinilala ang mga naaresto na sina, alias Ka Anghel/Miguel na nagsisilibing Political Guide ng grupo, alias Ka Heron/Alen dating Squad Leader ng GF-4B, alias Ka Gengen/Saysay na nagsisilbing Medic; alias Ka Angga/Lisa na nagssisilbi bilang Medic & Supply Officer; at alias Ka Iko/Tutong.
Bukod pa sa pagkakaaresto ng limang idibidwal, nakuha rin sa posisyon ng mga ito ang isang (1) 7.62mm converted to M1 Garand rifle. dalawang (2) caliber .45 pistols, tatlong (3) magazines with 27 rounds of ammunitions ng cal. 45, mga gamot, at iba pang mga kagamitan.
Ayon kay Brig. Gen. Jonas R. Lumawag PN(M), Commander of 1st Marine Brigade at Naval Task Group Central sa ilalim ng Joint Task Force Central na ang isinagawang operasyon ay tugon sa report ng mga residente sa lugar hinggil sa presensya ng mga armadong grupo.
