top of page

MINDANAO TRUST FUND-FUNDED FACILITIES


Photo Courtesy: MAFAR-BARMM

WORLD BANK AT MAFAR, NAG-IKOT SA MGA KAMPO NG MILF PARA ALAMIN ANG ESTADO NG KONSTRUKSYON NG MGA PASILIDAD NA PINONDOHAN SA ILALIM NG MINDANAO TRUST FUND


Bangsamoro Autonomous Region - Tinungo ng mga kinatawan ng World Bank at Ministry of Agriculture, Fisheries and Agrarian Reform ang mga kampo ng MILF at inalam ang estado ng mga pasilidad na pinondohan mula sa Mindanao Trust Fund


Nag-ikot ang World Bank Task Team sa mga kampo ng Moro Islamic Liberation Front kasama ang mga kinatawan mula sa Ministry of Agriculture, Fisheries, and Agrarian Reform.


Layon ng World Bank Task Team na maintindhan ang local context at pangangailangan ng mga stakeholders, potential scope ng trabaho at mga aktibidad kaugnay sa proyekto at ang kapasidad ng MAFAR bilang implementing agency.


Alinsunod ito sa paunang misyon para sa Bangsamoro Normalization Trust Fund Bangsamoro Normalization Trust Fund- Road to Development Project.


Nagsagawa rin ang grupo ng assessment sa mga proyekto bilang paghahanda para sa mas malawak na pakikipag-ugnayan sa mga stakeholder para isapinal ang saklaw ng proyekto at ang implementation arrangement sa full mission planned sa ikalawang bahagi ng buwan ng Mayo.


Kamakailan ay inaprubahan ng BNTF Steering Committee ang Roads to Development o R2D Project Farm to market and Access roads upang suportahan ang transformation at development ng mga dating MILF camps sa BARMM.


Layon ng proyekto na mapabuti ang rural road access sa mga piling MILF camp communities kung saan binigyang diin ang farms to markets connections.



9 views0 comments