top of page

MINISTER MOHAGHER IQBAL, SISIGURUHIN NA DADAAN SA LEGAL NA PROSESO ANG MGA REKLAMO LABAN SA MGA GURO

Kael Palapar

BANGSAMORO REGION — "Merong iilan ilan na mukhang medyo klaro ang kanilang pagiging partisan nila. Syempre titingnan namin yan, dadaan yan sa due process. Ang mga guro kasi dapat non-partisan, walang kinikilingan. Kaya magkaroon po tayo ng mapayapa, orderly at honest na election. Karamihan kasi sa gulo, nagmumula sa dayanan. Ang importsnte sa mga guro na hindi sila kasama don. Yung mga guro na may report dito sa amin, importante na matingnan para sa susunod na election, ma improve natin ang pagconduct ng election especially ang participation ng mga teachers."


Ito ang pahayag ni Minister Mohagher Iqbal ng Ministry of Basic, Higher and Technical Education hinggil sa mga reklamo at kaso laban sa mga gurong nagsilbi sa araw ng halalan sa malaking parte sa rehiyon.


Aniya, bagama't isolated cases lamang ang natanggap na mga report ng MBHTE-BARMM, nararapat lamang aniya na matingnan ng maigi ang mga kaso upang ma-improve and pagsasagawa ng susunog pang mga halalan.


"Hindi pwede hindi icompell yan. Halimbawa, kung ayaw ng teachers na hindi magserve, hindi natin pwedeng pilitin. Pero as to how thatbwould be handled, or papano iaddress yan, nasa Commission on Elections na yan. Nasa kanilang jurisdiction na yan." dagdag ni Iqbal.


Bagama't hindi nakapagsilbi ang ilang guro sa Cotabato City dala ng naging tensyon sa final testing and sealing, malaki naman pa rin naman ang pasasalamat ng opisyal sa mga gurong nagsilbi noong araw ng halalan sa iba't ibang parte ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM.


Sa kabila ng naitalang mga karahasan sa ilang bayan sa Maguindanao noong araw ng eleksyon, naniniwala si Iqbal na naging maayos pa rin sa pangkalahatan ang naging pagsisilbi ng mga guro bilang electoral board of inspectors sa rehiyon.


"In general, maayos naman ang election, at tska mga kaguruan natinx wala naman masyadong malalaking problema. because they have done what is supposed to be done by them, their responsibility to serve on the election. dapat sa susunod na election, lalong hihigit ang serbisyo natin." giit ng opisyal.


2 views
bottom of page