iMINDS Phils | February 16, 2022

Cotabato City, Philippines - Mula a otso ng Pebrero hanggang kahapon, araw ng martes, a kinse lamang ang pagsumite ng courtesy resignation ng mga minister at deputy minister ng BARMM.
Ito ang nilalalaman ng memorandum circular 0024 series of 2022 na inisyu ni Interim Chief Minister Ahod Balawag Ebrarhim.
Sinabi ng Interim Chief Minister na may mga pagbabagong aasahan sa hanay ng kanyang mga gabinete.
Ang Ministry of Education, Health, Social Services at Public Works ang apat sa mga tinututukan ministro ng liderato ni Chief Minister Ebrahim.
Ayon sa opisyal, kapag natapos na ang ginagawang evaluation at assessment ay muli itong mag-appoint ng kanyang gabinete bago matapos ang buwan ng Pebrero.
Kasunod ng courtesy resignation ng minister at deputy ministers ang director general ng bawat ministro ang pansamantalang mangunguna sa routinary at ministerial functions ng bawat tanggapan hangga’t wala pang naappoint na minister at deputy minister.
End