Fiona Fernandez | iNEWSPHILIPPINES

Sumuko sa militar ang isang 23 anyos na miyembro ng bandidong Abu Sayyaf Group sa Panglima Estino Sulu nitong September 10.
Kinilala ang naturang dating Violent Extremist sa alyas na Bas at kasabay din nitong isinuko ang kanyang dalang M16 Rifle.
Sa paunang debriefing, sinabi ni alyas Bas na kabilang siya sa grupo ni ASG Subleader Jaber Susukan.
Nakatakda namang irekomanda ang sumukong Extremist para mapabilang sa Localized Social Integration Program sa pamamagitan ng Municipal Task Force to End Local Armed Conflict (MTF-ELAC) ng Panglima Estino.
Patuloy naman ang panawagan ni Lt. Gen. Alfredo Rosario, Jr., Commander ng Western Mindanao Command, para sa mga natitira pang mga violent extremist na sumuko na at magsimula ng panibagong buhay.
Samantala-
Sa Barangay Tanduh Bato, Luuk, Sulu naman, sumuko ang 4 pang miyembro ng Abu Sayyaf Group nitong September 11.
Pinangunahan naman ng Police Regional Office BAR ang pagsuko ng hindi na kinilalang mga surrenderees.
Isinailalim na ang apat sa custodial debriefing upang mapabilang sa mga programang handog ng gobyerno para sa mga former extremist nang sa gayon, matulungan ang mga ito na magbagong buhay.
Mula noong Enero ngayong taon, 179 na ASG personalities na ang sumuko sa Sulu.