top of page

Miyembro ng Dawlah Islamiya, patay sa inilunsad na Internal Security Operations ng PNP sa Polomolok.

Kate Dayawan | iNEWS | November 26, 2021


Cotabato City, Philippines - Napatay sa isang Internal Security Operation ng PNP ang isang miyembro ng Dawlah Isamiya sa Sitio Bio, Lapu, Polomolok, South Cotabato .


Una nang isinilbi ang warrant of arrest laban sa isang miyembro ng Dawlah Islamiya Soccsksargen Khatiba na si alyas Maeng o Palito Sambial dahil sa kasong Attempted Murder at isang warrant of arrest naman para sa isang sub-leader ng Dawlah Islamiya - Maguid- Hassan Khatiba group na si Ali Boy Nilong dahil sa kasong Carnapping with violence or intimidation of person.


Araw ng Miyerkules, November 24, nakatanggap ng impormasyon ang Police Regional Office 12 na di umano'y nakita ang mga suspek sa Rancho Buenaventura, Barangay Aflek, T'boli, South Cotabato.


Agad na rumesponde ang otoridad sa pakikipagtulungan ng iba pang enforcement agency at doon ay positibong nakita ang nasa mahigit kumulang labing limang armadong kalalakihan na tumatakas patungong Sitio Bio, Barangay Lapu, Polomolok.


Nagkasagupa ang pwersa ng gobyerno at ang armadong grupo na nagresulta sa pagkasawi ng suspek na si Maeng habang nakatakas naman si Nilong at mga kasama nito.


Naiwan ng mga ardong kalalakiha. Ang isang rifle grenade, isang .38 caliber revolver at isang hand grenade pin.


Pinuri naman ni PBGen. Alexander Tagum, Regional Director ng PRO-12, ang operating units dahil sa walang humpay na pagpapanatiling ng kapayapaan at kaayusan sa rehiyon.


Ipinag-utos naman nito na paigtingin pa ang law enforcement operations laban sa mga wanted person sa rehiyon at hinikayat ang publiko na makipagtulungan at suportahan ang PNP sa pagkamit ng kanilang misyon sa pamamagitan ng pagbibigay ng tamang impormasyon.

1 view
bottom of page