Kristine Carzo | iNEWS | September 10, 2021
Cotabato City , Philippines- Kalaboso ang isang lalaking kabilang sa LGBT Community matapos na maaresto sa isinagawang buybust operation ng PNP sa bahagi ng Veterans Road, Rosary Heights 1, Cotabato City.
Kinilala ang suspek sa pangalang Tan-Tan, tatlumpot dalawang taong gulang at residente rin ng naturang barangay. Sa report mula sa PNP, isang police asset ang nagpanggap na poseur buyer ang nakabili kay Tan-tan ng isang pakete ng pinaghihinalaang shabu.
Bukod sa pinaghihinalaang shabu nakuha rin sa posesyon nito ang isa pang pakete ng pinaghihinalaang shabu at buybust money na ginamit sa operasyon.
Nakapiit na sa selda ng PNP Station 1 ang suspek at mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
