MNLF COMBATANTS TRANSFORMATION PROGRAM

Nagkasundo ang Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity at ang Moro National Liberation Front na simulan na ang implementasyon ng transformation program para sa mga MNLF combatants ngayong buwan ng Mayo
Nagkasundo ang Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity at ang Moro National Liberation Front na simulan na ang implementasyon ng transformation program para sa mga MNLF combatants ngayong buwan ng Mayo
Sa pulong sa pagitan ng OPAPRU at mga opisyal ng MNLF noong katorse ng Abril, sinabi ni Acting Presidential Peace Adviser Isidro Purisima na sisimulan na ang implementasyon ng Transformation Program para sa mga MNLF combatants ngayong buwan ng Mayo.
Saklaw nito ang mga MNLF communities sa mga probinsiya ng Basilan, Maguindanao at Lanao del Sur.
Ang Transformation Program ay offshoot ng commitments sa ilalim ng makasaysayan na Final Peace Agreement na nilagdaan ng gobyenro at MNLF noong September 2, 1996.
Layon din ng MNLF Transformation Program mapabilis ang transition ng mga MNLF patungo sa mapayapa at produktibong civilian life, lalo na ang mga hindi napabilang sa Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police sa ilalim ng FPA.
Ayon naman kay MNLF Central Committee Chairman, Muslimin Sema na nagsisilbi rin ngayon bilang labor minister ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao na buo ang kanilang suporta sa nilagdaang peace agreements.
Kabilang sa Transformation Program ang socio-economic, community healing and reconciliation, and security at confidence-building interventions na layon na mai-angat ang pamumuhay ng mga dating MNLF combatants at pamilya ng mga ito.