top of page

MOA ng implementasyon ng E-CLIP sa BARMM, nilagdaan ng MILG

Kate Dayawan | iNEWS | December 9, 2021

Photo courtesy : MILG BARMM


Cotabato City, Philippines - Kasama ang Department of Interior and Local Government, nilagdaan ni Interior and Local Government Minister Atty. Naguib Sinarimbo ang isang Memorandum of Agreement hinggil sa implentasyon ng E-CLIP o Enhanced Comprehensive Local Integration Program sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.


Ibig sabihin nito, pinapayagan nang pamahalaan ng Bangsamoro Government ang E-CLIP sa rehiyon at ang mangangasiwa sa paglilipat ng pondo mula sa national government patungong BARMM.


Dahil sa nasabing programa, magkakaroon na ng access ang mga non-communist rebels sa mga tulong na maaari nilang matanggap sa kanilang pagbabalik-loob sa gobyerno.


Ang E-CLIP ay isang programa ng gobyerno na naglalayong matulungan ang mga rebelde na nagnanais na magbalik-loob sa pamahalaan at sa kanilang komunidad at upang muling makasama ang kanilang mga pamilya.


Sa pamamagitan nito, mabibigyan ang mga sumukong indibidwal ng iba't ibang tulong, kaalaman at kakayahan na maaari nilang magamit sa kanilang pagbabagong buhay.


Batay sa Administrative Order 10 na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong April 3, 2018 at maging sa Implementing Rules and Regulations nito, ang tulong ng gobyerno ay hindi lamang para sa mga dating rebelde, kundi pati na rin sa kanilang pamilya.

14 views
bottom of page