iMINDSPHILIPPINES

Dineklara ng korte bilang nanalong kandidato sa pagka alkalde ng Pandag, Maguindanao si Mohajeran “Odjie” Balayman.
Sa inilabas na desisyon ni Regional Trial Court Branch 15 Presiding Judge Annabelle Piang, nakasaad dito na nakakuha si Balayman ng kabuuang boto na 2,740 laban kay Khadafeh Mangudadatu na nakakuha ng 2,070 na boto noong May 2022 elections.
Ipinag-utos din ng korte kay Mangudadatu na lisanin nito at mapayapang iturn-over ang tanggapan ng Municipal Mayor ng Pandag, Maguindanao kay Balayman.