Fiona Fernandez I iMINDSPHILIPPINES

Matapos maglabas ng pinal na desisyon ang korte na dineklarang nanalong kandidato sa pagka alkalde ng Pandag, Maguindanao si Mohajeran Balayman-
Pormal nang nanumpa ang dineklarang nanalong alkalde at umupo na sa pwesto. Isinagawa ang oath taking kahapon sa pangunguna ni Maguindanao Del Sur Governor Bai Mariam Sangki-Mangudadatu.
Sa ngayon, hindi pa makakapag opisina ang opisyal sa munisipyo dahil hindi pa nai-turn-over ng bise alkalde ng bayan, Zihan Mangudadatu ang tanggapan sa kabila nang inisyu na Writ of Execution ni Annabelle Piang, Presiding Judge ng Regional Trial Court, Branch 15.
Sa kanyang pag upo sinabi ni Balayman na agad niyang uumpisahan ang pagpapatupad ng programa para sa bayan.
Dumalo sa oath-taking ang kanyang pamilya, supporters at si 2nd District Congressman Mohammad Tong Paglas, DDS LMP Hon. Rafsanjani P, Ali at iba pang mga officials.
END: