top of page

MOON SIGHTING


Isasagawa ngayong gabi ang Moon Sighting sa walong lugar sa BARMM. Kapag makita ang buwan ngayong gabi, idadaos na bukas ang Eid’l Fitr o ang pormal na pagtatapos ng Ramadan.


Ngayong gabi isasagawa ng Darul Ifta BARMM ang Moon Sighting. Isasagawa

ito sa walong lugar sa

Photo Courtesy: BDI BARMM


BARMM na kinabibilangan ng:


1.Polloc, Parang, Maguindanao;

2. Tantawan, PC Hill, Cotabato City;

3. Timako Hills, Kalanganan II, Cotabato City;

4. Tapian, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao;

5. Iligan bay, Iligan City (Lanao Team);

6. Sunkist Seaside, Pahut, Bongao, Tawi-Tawi;

7. Pantalan, Jolo, Sulu; at

8. Isabela, Basilan.

Kapag nakita ang buwan, pormal na idadaos bukas ang Eid’l Fitr. Kapag hindi naman makita ang buwan, sa araw ng Sabado na opisyal na magtatapos ng Ramadan.



11 views0 comments