Fiona Fernandez I iMINDSPHILIPPINES

Mapagpatawad ang mananampalataya sa relihiyong islam.
Ito ang paalala ni Member of the Parliament Atty. Rasol Mitmug Jr. kasunod ng kontrobersiya kaugnay sa paggaya sa Kaaba at ginawang props sa isang pet show sa Quezon City.
Hindi lang batikos ang tinanggap ng contestant na si Ronald Flores mula sa mga netizens, tumanggap na rin ito ng pagbabanta sa buhay.
Ayon sa opisyal, hindi daw maikakaila na mali ang ginawa ni Flores, pero bilang muslim, hindi sagot ang karahasan kung hindi ang pagpapatawad sa kapwa.
Samantala, nakipag ugnayan na ang National Commission on Muslim Filipinos kay Flores kasama ang tanggapan ni Senator Robin Padilla.
Katunayan, nagkaroon na ng interbensyon ang NCMF-NCR at nakipagpulong na kay Flores kasama ang kaniyang pamilya. Sa kanilang facebook post, sinabi ng NCMF na ang ekplenasyon ng naturang contestant ay naisumite na sa Central Office para sa kaukulang aksyon kaugnay sa isyu.
Sa naturang pagpupulong, humingi muli ng tawad si Flores sa nagawang pagkakamali.
End