MP Romeo Sema, namahagi ng mga school supplies sa bayan ng South Upi

Joy Fernandez | iNews | November 4, 2021


Cotabato City, Philippines - Malugod na inimbitahan ng Ministry of Social Services and Development-BARMM, sa pamumuno ni MP Atty. Raisa Jajurie si MP Romeo Sema upang makibahagi sa isang programa na ginanap sa bayan ng South Upi, Maguindanao.


Ang aktibidad na ito ay bahagi ng paggunita ng National Children's Month, sa ilalim ng Republic Act No. 10661, na pinirmahan noong taong 2015 ni dating Pangulong Benigno Aquino III.


Kasabay nito ay namahagi rin ng mga school supplies si MP Sema sa mga batang dumalo sa programa.


Layon ni MP SEMA na maipadama ang kanyang pagmamahal at pagpapahalaga sa bawat mga bata sa kahit munting panahon lamang.




0 views