top of page

MP ROMEO SEMA, PINAGKALOOBAN NG ECONOMIC ASSISTANCE ANG ISANG ORPHANAGE SA BARMM

Joy Fernandez | iNEWS | November 17, 2021

Photo courtesy : MP Romeo Sema


Cotabato city, Philippines - Wala pa ring humpay sa pamamahagi ng economic assistance si Member of Parliament at Labor and Employment Minister Romeo Sema sa mga vulnerable sector sa rehiyon ng Bangsamoro.


Pinakahuli sa napagkalooban ng nasabing assistance ay ang mga ulila sa isang orphanage sa rehiyon.


Personal nitong iniabot ang tulong, kasama ang kanyang maybahay upang makapagbigay ng pansamantalang kasiyahan at maipadama ang kanyang pagmamahal para sa mga ito.


Taos puso rin ang pasasalamat ni MP Sema sa gobyerno ng Turkey dahil sa tulong na natatanggap ng BARMM mula noon hanggang ngayon.

11 views
bottom of page