Kate Dayawan | iNEWS Phils | March 31, 2022

Photo courtesy : Ministry of Public Order and Safety
Cotabato City, Philippines - Bilang pagpapakita ng buong pagsuporta para sa isang ligtas, tama, patas at malayang eleksyon ngayong Mayo a nuwebe, sama-samang nagsagawa ng Unity Walk ang Ministry of Public Order and Safety (MPOS) kasama ang Basilan Police Provincial Office (BPPO), AFP, BFP, PCG, COMELEC, Evangelical Church Basilan, at iba pang provincial stakeholders bilang pagsisimula sa inilunsad na Peace Covenant sa lalawigan.
Nagsimula ang unity walk sa Isabela East Terminal patungong Isabela City Plaza.
Nagsagawa rin ng Inter-faith prayer rally ang mga dumalo at lumagda sa peace covenant para sa isang ligtas, tama, patas at malayang National and Local Election 2022.
Kabilang sa mga dumalo sina Provincial Director PCOL Pedro P Martirez, Jr. of PNP- Basilan Police Provincial Office kasama ang Deputy Brigade Commander COL Sales ng 101st Brigade PA at COMELEC Basilan Election Officer Merian Muarip-Tuburan.
End.