top of page

MPOS-BARMM, NAGSAGAWA NG FIRST COMMUNITY-BASED PEACE ADVOCACY AGAINST ELECTION-RELATED VIOLENCE

Kate Dayawan | iNEWS Phils | March 30, 2022

Photo courtesy : MPOS - BARMM


Cotabato City, Philippines - Matiwasay na naisagawa ng Ministry of Public of Order and Safety BARMM ang kauna-unahang community-based peace advocacy against election-related violence sa Cotabato City noong Lunes, March 28.


Layon ng paglulunsad ng nasabing adbokasiya na mapag-isa at mapalakas ang koordinasyon at pagtutulungan ng government agencies at barangay local officials na itinuturing bilang non-partisans na itaguyod ang polisiya ng malaya, maayos, tapat, mapayapa at kapani-paniwala na pagsasagawa sa eleksyon ngayong May 9, 2022.


Nais naman ni MPOS Director-General Atty. Al-Rashid Balt na maging modelo ang lungsod sa pagsasagawa ng isang peaceful and orderly election.


Sinabi naman ni Ustadz Habib Usman na sa pagboto, striktong oobserbahan ang Islamic values base sa kwalipikasyon, competency at integridad ng mga kandidato.


Dumalo sa nasabing aktibidad si Commission on Elections (COMELEC) Election Officer ng Cotabato City Atty. Norfaisa Paglala Manduyog, Joint Task Force Kutawato Col. Jose Ambrocio Rustia, representative ng Hayat-ul Ulama of the Philippines na si Mr. Habib Usman, representante ng barangay local government units at Schools Division Superintendent ng Cotabato City.


End.


2 views
bottom of page