top of page

MSSD AT IBA PANG MGA PROGRAMA NG BANGSAMORO GOVERNMENT, NAMAHAGI NG RELIEF GOODS SA LANAO DEL SUR

Updated: Sep 7, 2021

Kate Dayawan | iNews | September 6, 2021


Cotabato city, Philippines - Agad na nagpaabot ng tulong ang Ministry of Social Services and Development – BARMM kasama ang Ministry of Interior and Local Government, BARMM Rapid Emergency Assistance for Disaster Incidence (BARMM-READi) at Project Tulong Alay sa Bangsamorong Nangangailangan ng Office of the Chief Minister ng mga food packs para sa mga residente ng probinsya.


Ito’y matapos na ianunsyo ng Lanao del Sur Provincial Inter-agency Task Force na isasailalim sa sampung araw na granular lockdown ang probinsya kasunod ng paglobo ng kaso ng COVID-19 sa lugar.


Noong Sabado, September 4, sinimulan na ang lockdown sa probinsya at nakatakda namang magtapos sa September 13.


Kabilang sa mga ipinamahaging tulong ng MSSD, MILG, BARMM-READi at Project Tabang ay ang dagdag na bigas, hygiene kits at food packs.


Personal namang inispeksyon ni Interim Chief Minister Al-Hadj Murad B. Ebrahim kasama ang mga representante mula sa MSSD at BARMM-READi ang mga relief goods bago ito naipadala sa probinsya ng Lanao del Sur.



Photo by: MBHTE-BARMM

6 views
bottom of page