Kael Palapar

COTABATO CITY — Iginiit ng Ministry of Social Services and Development o MSSD ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM ang kumakalat na impormasyon hinggil sa pagkakawala ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps grant kapag hindi ibinoto ang isang kandidato.
Ani MSSD, wala umanong kinalaman ang partikular na kandidato sa pagpili ng benepisyaro ng 4Ps at tanging ang Department of Social Welfare and Development o DSWD lamang ang maaring magrekomenda ng mga grantees ng programa batay sa resulta ng kanilang naging listahan.
Matatanggal lamang umano ang benepisyaro kapag ito'y hindi na sumusunod sa mga alintuntunin ng programa.
Kabilang dito kung mapapatunayang wala nang batang nag-aaral sa pagmomonitor ng tanggapan.


