top of page

MSSD-BARMM, tuloy sa pamamahagi ng Cash Cards sa mga benepisyaryo ng UCT-Listahanan Program sa Mag.

Kate Dayawan | iNEWS | November 23, 2021


Photo courtesy : MSSD


Cotabato City, Philippines - Natanggap na ng unang batch ng 1,008 na mga benepisyaryo ng Unconditional Cash Transfer o UCT-Listahanan Program sa Parang, Maguindanao ang kanilang cash cards mula sa Land Bank of the Philippines noong Sabado sa Parang Gymnasium.


Ang UCT Program ay isang nationally-funded tax reform mitigation program na pinangangasiwaan ng Ministry of Social Services and Development sa Bangsamoro Region.


Layon nito na makapagbigay ng cash grants sa mga mahihirap na pamilya at indibidwal na hindi man nakabenepisyo sa lower income tax rates sa ilalim ng TRAIN Law, ngunit apektado naman sa patuloy na pagtaas ng presyo.


Abot sa 55,971 UCT-Listahanan beneficiaries sa probinsya ng Maguindanao ang kwalipikadong mabigyan ng UCT cash grants.


Ang grants ng mga nasabing benepisyaryo ay diretsong idedeposito sa kanilang LBP accounts at hindi na dadaanan pa sa MSSD.

Kabilang sa mga UCT beneficiaries ay ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program households, benepisyaryo ng Social Pension for Indigent Senior Citizens Program at iba pang pamilya sa database ng National Household Targeting System for Poverty Reduction o Listahanan basta't napabilang ang mga ito sa first to seventh deciles at inaayos ayon sa predicted income.

7 views
bottom of page