MSSD, NAMAHAGI NG HYGIENE KITS SA MGA BABAENG PDL SA COTABATO CITY JAIL

Kate Dayawan | iNEWS Phils | March 29, 2022

Photo courtesy : MSSD


Cotabato City, Philppines - Dahil hindi pa tapos ang selebrasyon ng buwan ng mga kababaihan ngayong Marso, binigyang pansin ng Ministry of Social Services and Development ang tatlumpo’t limang kababaihan na nakakulong ngayon sa Cotabato City Jail.


Ito ay sa pamamagitan ng pagbibigay ng hygiene kits sa ilalim ng Women Welfare Program ng MSSD.


Bukod dito ay nagsagawa rin ang mga personnel ng MSSD ng psychosocial support intervention sa mga nasabing kababaihan upang maibsan ang kanilang mga nararamdang suliranin sa buhay.


End.

3 views