Kate Dayawan | iNews | November 5, 2021
Cotabato City, Philippines - Abot sa 551 na mga nagsilikas na pamilya mula sa Mamasapano at Shariff Saydona Mustapha, Maguindanao ang nakatanggap ng food assistance mula sa Ministry of Social Services and Development - BARMM noong araw ng Miyerkules, November 3.
Ang mga pamilyang ito ay nag-alsabalutan dahil sa nabuong tensyon sa kanilang lugar.
448 na pamilya ang nagsilikas mula sa Barangay Dabenayan, Mamasapano.
103 displaced families naman mula sa Barangay East Libutan, Shariff Saydona Mustapha.
Ang mga ito ay namamalagi ngayon sa Libutan Elementary School.
Nakatanggap ang mga IDP ng sampung kilo ng bigas, noodles, sardinas, kape, gatas, asin, biskwit at iba pang grocery items.
Matatandaan na noong araw ng Linggo, October 31, kinailangang iwan ng mga residente mula sa Barangay Dabenayan at East Libutan ang kanilang mga tahanan dahil sa mortar shelling na isinagawa ng militar matapos ang di umano'y pag-atake ng mga armadong grupo.
Kinabukasan ay agad na nangsagawa ng rapid needs assessment ang mga tauhan ng MSSD upang kamustahin ang lagay ng mga internally displaced persons o IDPs.
