Kate Dayawan | iNEWS Phils | March 14, 2022

Photo courtesy : MSSD
Cotabato City, Philippines - Kaagapay ang UNICEF Philippines at Food and Agriculture Organization of the United Nations (FAO), sinimulan na ng Ministry of Social Services and Development ang pamamahagi ng cash transfers bilang bahagi ng anticipatory action o ang probisyon ng immediate assistance bago ang isang sakuna o krisis upang mabawasan ang epekto ng mga pagkabigla.
Para sa pilot payout, abot sa 164 na mga benepisyaryo ng Barangay Lapok, Shariff Aguak ang nakatanggap na ng kanilang cash assistance na nagkakahalaga ng 5,800 pesos mula sa apat na branch ng RD Pawnshop noong Huwebes, March 10.
Pinili ang mga benepisyaryo base sa criteria ng MSSD na kung saan dapat ang benepisyaryo ay ang mga mahihirap na pamilya na mayroong anak na nag-eedad 0 hanggang 5 years old, pangalawa ay kung ang mga pamumuhay ng pamilya ay nakadepende sa pagsasaka o pangingisda at pangatlo ay kung mga pamilya ay kadalasang nag-aalsabalutan dahil sa armed conflict o di kaya’y sa baha.
Unang inilunsad ang programa sa Datu Saudi Ampatuan, Datu Salibo, Shariff Aguak, Shariff Saydona Mustapha, Datu Unsay, at Mamapasano sa Maguindanao na mayroong 7,448 beneficiaries.
Ito ay sa ilalim ng Joint Programme on the Sustainable Development Goals on Leave No One Behind ng UNICEF at FAO.
End.