Kael Palapar

COTABATO CITY — Dahil sa husay na ipinakita sa naging Bangsamoro Ramadhan Trade Fair 2020 sa buwan ng Ramadhan, binigyan ng parangal ng Ministry of Trade, Investment and Tourism o MTIT-BARMM ang mga nangungunang exhibitors sa Awarding Ceremony nito noong April 29, sa Trade Fair Grounds ng Bangsamoro Government Center sa Cotabato City.
Nakuha ng Cassim's Kebab Biryani Kitchenette, Societea Cafe at Ripit Food Hub ang Most Promising Entrepreneur Award habang nakuha naman ng Societea Cafe, Ripit Food Hub at Roadside Beach Resort and Best Dressed Booth Award.
Ang bawat awardee ay tumanggap ng cash prize na nagkakahalaga ng PHP5,000.
Ang mga exhibitors ay hinuhusgahan ayon sa kanilang nabuong mga benta, pagiging natatangi, paggamit ng mga materyal na pang-promosyon, salesmanship at diskarte sa marketing.
Umabot naman sa mahigit limang milyon ang naging benta o sales ng Ramadhan Trade Fair sa unang dalawang linggo nito.
Matatandaan na naitala bilang pangalawa sa pinakamabilis na paglago ng ekonomiya ang BARMM sa lahat ng rehiyon sa bansa.
Ang economic performance ng rehiyon ay tumaas ng 7.5% noong 2021, ayon sa naitala ng Philippine Statistics Authority.