Multi-Purpose Solar Drying Pavement

Photo Courtesy: MAFAR-BARMM
Magtatayo ng Multi-Purpose Solar Drying Pavement sa Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao del Sur ang Ministry of Agriculture, Fisheries, and Agrarian Reform.
Upang tulungan ang mga magsasaka hinggil sa “post harvest management”, itatayo ng MAFAR ang isang Multi-Purpose Solar Drying Pavement sa Barangay Lower Salbu, Datu Saudi Ampatuan.
Pinangunahan ng Office of the Special Development Fund ng Ministry of Agriculture, Fisheries, and Agrarian Reform ang groundbreaking ng proyekto.
Ang solary drying pavement ay may drying capacity na 70-80 bags. Ang proyekto ay nagkakahalaga ng 555, 000 pesos at tinatayang matatapos sa loob ng apatnanput limang araw.