top of page

NAGBITIW BILANG MIYEMBRO NG LAKAS-CMD


Photo Courtesy: Inday Sara Duterte

VICE PRESIDENT SARA DUTERTE, NAGBITIW BILANG MIYEMBRO NG PARTIDONG LAKAS-CMD 2 ARAW MATAPOS INALIS BILANG SENIOR DEPUTY SPEAKER SI DATING PANGULO AT NGAYO’Y KONGRESISTA NG PAMPAMGA GLORIA MACAPAGAL ARROYO


Department of Education - Nagbitiw bilang miyembro ng Partidongn Lakas-CMD si Vice President Sara Duterte epektibo ngayong araw. Ang pagbibitiw ng bise presidente bilang miyembro ng Lakas ay isinapubliko sa pamamagitan ng kanyang official facebook page dalawang araw matapos inalis si dating Pangulong at ngayo’y kongresista Gloria Macapagal Arroyo bilang Senior Deputy Speaker ng mababang kapulungan.


Inanunsyo ni Vice President at DEPED Secretary Sara Duterte kaninang umaga ang kanyang irrevocable resignation bilang miyembro ng Partidong Lakas-CMD.


Ayon sa bise presidente, wala ng mas mahalaga sa kanya kung hindi ang mapaglingkuran ang kapwa Filipino sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.


Sinabi ni VP Sara, na narating niya ang kinaroroonan ngayon dahil sa tiwala ng sambayanang Filipino at hindi aniya kailaman man malalason ito ng tinawang niya “political toxicity o pagmamanipula ng “execrable political powerplay”.


Nanawagan ito sa lahat ng lider na tutukan at gampanan ang kanilang mga responsibilidad at gawin ang trabaho na maisakatuparan.


Ang pagbibitiw ni Vice President Duterte ay inanunsyo sa kanyang official facebook page, dalawang araw matapos inalis si dating pangulo at ngayo’y kongresista Gloria Macapagal Arroyo bilang Senior Deputy Speaker ng mababang kapulunga ng kongreso.


Sinabi ni Majority Floor Leader at Zamboanga 2nd District Representative Manuel Jose Dalipe na inalis si Arroyo bilang senior deputy speaker upang bawasan ang bigat sa gampanin nito bilang kongresista.


Pumalit kay Arroyo si Pampanga 3rd District Rep. Aurelio Gonzales Jr.

5 views0 comments

Recent Posts

See All