top of page

NAGPAABOT NG TULONG


Photo Courtesy: Congresswoman Bai Dimple Mastura

LIMO TEAM NI CONGRESSWOMAN BAI DIMPLE MASTURA, NAGPAABOT NG TULONG SA 50 INDIGENT FAMILIES SA TAMONTAKA 4, COTABATO CITY


Cotabato City - Limampung Indigent Families sa Tamontaka 4, Cotabato City ang pinagkalooban ng tulong ng Team LIMO ni Maguindanao del Norte with Cotabato City Representative Bai Dimple Mastura.


Tinungo ng mga social work interns mula sa otabato State University ang Barangay Tamontaka 4 matapos makipag-ugnayan ang tanggapan ni Congresswoman Bai Dimple Mastura sa mga opisyal para sa pagpapaabot ng tulong.


Limampung indigent families ang natukoy na lubos na nangangailangan.


Agad namang tinungo ng LIMO Team kasama ang Department of Social Welfare and Development sa pamamagitan ng Regional Office 12 at ipinagkaloob ang ayuda na naglalaman ng bigas, canned goods, kape, gatas at noodles.


Nagpasalamat si Barangay Chairman Perdous Mangelen sa mga inisyatiba at tulong na ipinaabot ng kongresista sa kanyang nasasakupan.



2 views0 comments