top of page

Nagtapuan na ang bangkay ng lalaking nalunod sa Simuay River

Kristine Carzo | iNEWS | September 13, 2021


Cotabato City, Philippines - Matapos ang halos dalawang araw na paghahanap ng mga kawani ng Sultan Kudarat Disaster Risk Reduction Management Office, BARMM READi at Philippine Coast Guard sa isang lalaking nalunod sa Simuay River pasado alas- singko ng hapon, araw ng Huwebes.


Natagpuan na kamakalawa , araw ng sabado ang lalaking kinilalang si Faisal Ibad na residente ng Sitio Manito Barangay Dalumangcob Sultan Kudarat Maguindanao na wala ng buhay.


Sa report mula kay SK MDRRMO Chief Kadil Blaim, natagpuan pasado alas-sais ng umaga si Faisal sa Bagdad Simuay Seashore Sultan Mastura Maguindanao. Kinumpirma mismo ng kanyang mga kaanak ang natagpuang bangkay.


Sa report ng otoridad, araw ng huwebes habang tinatawid ng biktima ang Simuay river dala-dala ang damo at kahoy na gagamitin sana sa kanyang pagtatanim ay bigla itong tinangay ng rumaragasang tubig.


Agad naman na kinuha ng kanyang mga kaanak si faisal at agad na inilibing.




26 views
bottom of page