top of page

NAITALANG NASAWI SA BAGYONG PAENG SA BUONG BANSA, UMABOT NA SA 150

FIONA FERNANDEZ I iMINDSPHILIPPINES


Isang daan at limampu na ang naitalang nasawi mula sa pananalasa ng Severe Tropical Storm Paeng ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Huwebes.


Sa numerong ito, 94 ang validated casualties – 63 mula sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), 28 mula sa Western Visayas, at tatlo mula sa Soccsksargen.


Limampu’t anim sa mga naitalang nasawi ang isinailalim pa sa validation– 33 mula sa Calabarzon; lima mula sa Eastern Visayas; apat mula sa Zamboanga Peninsula; tatlo mula sa Mimaropa, tig-dalawa mula sa Cagayan Valley, Central Luzon, Bicol, at Central Visayas; at tig-isa mula sa Kanlurang Visayas, Soccsksargen, at rehiyon ng Cordillera.


Isang daang dalawmapu’t walo ang naitalang sugatan, pitumpo’t walo dito ang kumpirmadong nasawi dahil sa tropical cyclone.


tatlumpo’t anim pa ang patuloy na pinaghananap-

sa bilang na ito dalawamput walo ang validated na ang pagkakakilanlan.


Iniulat din ng NDRRMC na 1,131,409 pamilya, na binubuo ng 3,963,555 na indibidwal, ang naapektuhan ng Paeng sa buong bansa.


Sa kabuuan, 43,996 pamilya o 173,957 indibidwal ang tinutulungan sa 2,094 evacuation centers at ang natitira ay tinutulungan ng mga kamag-anak at kaibigan.


May kabuuang 12,968 na bahay ang "partially damaged" habang 2,194 ang "totally damaged".


Samantala, umabot na sa 2.09 bilyon ang partial cost ng pinsala sa mga national road, tulay, at flood control structures na iniulat ng Department of Public Works and Highways (DPWH) nitong Huwebes.


Nanguna ang Calabarzon sa listahan ng mga rehiyon sa halaga ng pinsala sa imprastraktura sa PHP967.09 milyon, na sinundan ng rehiyon ng Cordillera na may PHP227.02 milyon; BARMM na may PHP200 milyon; Western Visayas na may PHP150.41 milyon; Mimaropa na may PHP130.40 milyon; Soccsksargen na may PHP102.68 milyon; Bicol na may PHP74.83 milyon; Cagayan Valley na may PHP61.03 milyon; Eastern Visayas na may PHP60 milyon; Ilocos region na may PHP58.40 milyon; Central Luzon na may PHP54.50 milyon; at Central Visayas na may PHP8 milyon.


As of 6 am kahapon, 24 road sections sa walong rehiyon ang sarado pa rin dahil sa sirang pavement/slope protection, road cut, collapsed bridge, damaged bridge approach, pagbaha, at mga nahulog na debris at iba pa.


End

1 view
bottom of page