top of page

NAKABALIK NA SA KANILANG TIRAHAN


Photo Courtesy: Bangsamoro READi

MGA PAMILYANG LUMIKAS MULA SA BARANGAY SIMSIMAN DAHIL SA GULO, NAKABALIK NA SA KANI-KANILANG TIRAHAN MATAPOS IHATID NG BARMM READi, PNP, AFP AT LGU


Bangsamoro Autonomous Region - Bumalik na sa kani-kanilang tahanan ang mga pamilyang nagsilikas mula sa barangay ng Simsiman na pansamantalang nanunuluyan sa isang Madrasah sa Barangay Datu Binasing. Lumikas ang mga ito nang umigting ang gulo sa pagitan ng tatlong grupo sa lugar. Kahapon, inihatid ng Bangsamoro READi ang mga bakwit sa kanilang barangay.


Pinulong ng Bangsamoro READi kasama ang mga opisyal ng Pigcawayan LGU, militar at PNP ang mga pamilyang pansamantalan g nanunuluyan sa isang Madrasah sa Barangay Binasing.


Sila ay mga residente ng Barangay Simsiman na lumikas matapos sumiklab ang gulo ng tatlong grupo sa lugar.


Nang magdesisyon ang tatlong grupo na tuldukan na ang girian sa pamamagitan ng isang seremonya na pinangunahan ni MILG Minister Atty. Naguib Sinarimbo, SGA Administrator Butch Malang, Pigcawayan Mayor Totoy Agustin, at Lt Col Rey Rico ng 34th IB…


Inilatag agad ang plano sa pagpapabalik sa mga lumikas na residente sa kanilang tirahan na sinang-ayunan naman ng mga residente.


Kahapon din, inihatid ng Bangsamoro READi ang mga bakwit sa kanilang barangay.


Namahagi din ang Bangsamoro READi sa 378 pamilyang IDPs ng 10kg bigas, sardinas at kape.

9 views0 comments