Nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility si Typhoon Kiko

Joy Fernandez | iNEWS | September 13, 2021


Cotabato City, Philippines -Huling namataan ang bagyong Kiko sa layong 790 km North of Itbayat, Batanes. Ngayon ay nakakaapekto na lamang ang Hanging habagat o Southwest Monsoon sa Luzon. Habang ITCZ o Intertropical Convergence Zone naman sa Southern Mindanao.


Magiging makulimlim ang kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa Ilocos Region, MIMAROPA, Zamboanga Peninsula, Bangsamoro Region, Batanes, Babuyan Islands, Zambales, Bataan, Abra, at Benguet .


Inaasahan namang sisikat si Haring araw sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa, subalit may posibilidad pa rin ng mga pag-ulan at thunderstorm pagdating sa hapon o gabi.


Para naman sa pagtaya ng panahon sa Cotabato City bukas, papalo ang agwat ng temperatura mula 24 hanggang 34 degree celsius at 70 percent ang chance of rain.


Sa Maguindanao papalo mula 23-33 degree celsius ang agwat ng temperatura at 60 percent ang tsansa ng pag ulan.


Sa South Cotabato, maglalaro ang temperatura mula 22-31 degree celsius at 70 percent ang chance of rain.


Sa North Cotabato papalo ang temperatura mula 23-32 degree celsius at 80 percent chance of rain.


Sa Zamboanga City papalo ang temperatura mula 25 to 31 degree celsius at 60% ang tsansang uulan.


Habang sa Lanao del Sur naman papalo ang temperatura mula 17 to 26 degree celsius at 100% ang tsansa na uulan.


Ang araw ay sumikat 5:32 ng umaga at lulubog 5:43 ng gabi




4 views