top of page

NAKALANGHAP NG INSECTICIDE



Photo Courtesy: LGU Upi - Disaster Risk Reduction and Management Office

102 MAG-AARAL NG MIRAB ELEMENTARY SCHOOL NA ISINUGOD SA PAGAMUTAN MATAPOS MAKALANGHAP NG INSECTICIDE, NASA LIGTAS NANG KALAGAYAN


Upi, Maguindanao del Norte - Nasa ligtas ng kalagayan at nakauwi na ang ilan sa mahigit isang daang mag-aaral ng Mirab Elementary School na isinugod sa ospital matapos makaranas ng pagkahilo, pananakit ng tiyan at pagsusuka dahil sa nalanghap na insecticide.


Mag-aalas nuebe ng umaga noong araw ng Huwebes nang simulang isugod sa Datu Blah District Hospital sa Upi, Maguindanao del Norte ang isang daan at dalawang mag-aaral ng Mirab Elementary School dahil sa naranasang pananakit ng tiyan, pagkahilo, at pagsusuka.


Base sa imbestigasyon ng LGU Upi, napag-alaman na nakalanghap ng nakalalasong kemikal ang mga mag-aaral.


Mula ito sa inis-pray na Vindex Insecticide sa niyugan sa tabi ng paaralan.


Animnapu’t limang mag-aaral na babae at tatlumpo’t pitong mag-aaral na lalaki edad anim hanggang kinse ang naospital.


Sa ngayon ay nasa mabuti nang kalagayan ang mga mag-aaral at ang iba ay nakauwi na sa kani-kanilang tahanan.


Balik na rin ang pasok ng mga mag-aaral sa Mirab Elementary School matapos sinuspendi mula noong araw ng Huwebes hanggang Biyernes kasunod ng insidente.

5 views0 comments