top of page

Nakalayang Drug peddler, balik-kulungan matapos muling masangkot sa pagbebenta ng iligal na droga

Kate Dayawan | iNews | November 3, 2021


Cotabato City, Philippines - Himas-rehas muli ang suspek na si alyas Tubias matapos na mahuli ng pinagsanib na pwersa ng Parang Municipal Police Station at 1401st RMFC RMFB, PRO BAR dahil sa pagbebenta ng iligal na droga Barangay Nituan, Parang, Maguindanao araw ng Linggo, October 31.

Sa report mula sa Parang PNP, nagsasagawa ang kanilang himpilan ng checkpoint operation sa Duran Detachment, Barangay Sarmiento, Parang, Maguindanao nang dumaan ang suspek.

Narekober mula sa posesyon nito ang isang pakete ng hinihinalang shabu na may timbang na 0.05 grams na may estimated standard drug price na 500 pesos at isang improvised tooter/weather.

Una nang kinasuhan at nakulong ang suspek dahil sa paglabag sa RA 9165 sa ilalim ng criminal case number 2018-10071 ng Regional Trial Court Branch 27, Hall of Justice ORG Compound, Cotabato City. Nakalaya ito mula sa kustodiya ng Provincial Jail dahil sa Plea bargaining o Convicted order na inisyu ni Presiding Judge Hon. Kasan Abdulrakman.

Nasa kustodiya na ngayon ng Parang PNP ang suspek para sa proper disposition.




0 views0 comments