top of page

NANUMPA NA SA TUNGKULIN


Photo Courtesy: Municipality of Datu Odin Sinsuat


Pormal nang nanumpa sa tungkuling ang dalawang kapitan ng Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Sur sa ilalim ng law of succession.


Pinangunahan ni Datu Odin Sinsuat Mayor Lester Sinsuat ang panunumpa sa tungkulin ng bagong barangay kapitan ng Badak at Tanuel.


Nanumpa si Barangay Tanuel 1st Kagawad Rauf Abdullah bilang bagong kapitan. Umupo si Abdullah sa ilalim ng law of succession patampos pumanaw ang dating kapitan na si Moksin Labungan noong nakaraang buwan.


Nanumpa rin si Datu Ali Akmad bilang barangay kagawad.


Sa Barangay Badak naman ng bayan, pormal na rin na nanumpa si 1st kagawad Datu Wilson Sinsuat bilang bagong kapitan, sa ilalim pa rin ng law of succession.


Pinalitan ni Datu Wilson ang kapatid nito na dating barangay kapitan ng badak na si Datu Hamid Sinsuat matapos itong pumanaw.


Nanumpa rin bilang kagawad si Datu Dodie Sinsuat.


Ang panunumpa ng mga Barangay Officials ay sinaksihan nina DOS-MLGOO Engr. Mohammad Jamshid Mosaid, LGU-DOS Legal Officer Mahajiroe Lauban, at Municipal Administrator Datu Israel Untong Sinsuat.


Sina Sinsuat at Abdullah ay manunungkulan bilang Kapitan ng kani-kanilang Barangay hanggang October 2023.



7 views0 comments

Recent Posts

See All