top of page

NAPOLCOM-BARMM, INANUNSO ANG MGA DAPAT AT HINDI DAPAT GAWIN SA ARAW NG SQEE

Kael Palapar

BANGSAMORO REGION — Sa darating na linggo, May 29, nakatakdang isagawa ng NAPOLCOM-BARMM ang Special Qualifying Eligibility Examination para sa mga miyembro ng MILF at MNLF na nagnanais maging pulis.


Inilatag ng NAPOLCOM-BARMM ang mga dapat at hindi dapat gawin sa araw ng pasulit.


Hindi umano bibigyan ng pagkakataon ang mga miyembro ng MILF at MNLF na kumuha ng pasulit kung walang maiprepresentang Notice of Admission at isang valid ID na may pirma.


Bukod sa number 2 na lapis, kinakailangan ring maipresenta ng mga aplikante ang health declaration forms na ibibigay ng NAPOLCOM.


Para sa mga aplikanteng full vaccinated, kinakailangang ipresenta ang kanilang vaccination card o vaccination certificate sa araw ng pasulit.


Negative RT-PCR o Anti-gen Test result naman para sa mga unvaccinated na indibidwal.


Samantala, mahigpit na ipinagbabawal ng NAPOLCOM ang pagdadala ng baril, explosive devices o kahit na anong deadly weapon.


Bawal din ang cellular phones, calculators, pager at iba pang two way radio o kahit na anong electronic gadget maging a review materials.


Excited naman ang applicant na si Dats mula sa hanay ng MILF


Sa ilalim ng NAPOLCOM Resolution No. 2022-0081 na napagkasunduan sa pagitan ng NAPOLCOM at Bangsamoro Government, mula sa mahigit 10,000 na aplikante mula sa hanay ng MILF at MNLF na nagsumite ng kanilang aplikasyon, 5,060 lamang ang mapipili at sasailalim sa training.

33 views0 comments

Recent Posts

See All