NCMF Secretary Saidamen Pangarungan, bagong Chairman ng COMELEC; Garcia at Neri bagong Commissioners
Kate Dayawan | iNEWS Phils | March 9, 2022

Photo courtesy: ABS-CBN.com
Cotabato City, Phils - Sa report mula sa ABS-CBNNEWS.com.
Kinumpirma ni Communications Secretary Martin Andanar sa isang press briefing ang pagkakatalaga kay NCMF Secretary Saidamen Pangarungan bilang bagong chairman ng COMELEC. Gayundin ang pagkakatalaga kay Atty. George Garcia at Atty. Aimee Neri bilang mga bagong COMELEC commissioners.
Si Neri ay naging Undersecretary ng Department of Social Welfare and Development. Nagsilbi rin itong assistant secretary ng Department of Justice mula August 2016 to May 2017 at nagsilbing deputy commissioner ng Bureau of Immigration mula May 2017 to April 2018.
Si Garcia ay isang veteran election lawyer na humawak sa kaso ni former senator Ferdinand "Bongbong" Marcos laban sa katunggali nito sa 2016 elections na si Vice President Leni Robredo.
Bahagi rin si Garcia ng campaign team ni presidential candidate, Manila Mayor Isko Moreno Domagoso. Nagbitiw ito noong araw ng lunes.
Habang si Pangarungan ay isa ring abugado, at dating governor ng Lanao del Sur mula 1988 to 1992, base sa impormasyon mula sa NCMF website.
Inanunsyo ang Comelec appoinments dalawang buwan bago ang May 9 elections.
End