NEGOSYANTE, ARESTADO!
Isang negosyante sa Marawi City ang inaresto ng otoridad dahil sa iligal na pagbebenta nito ng mga bala ng baril.
Inaresto ng otoridad ang isang 32-anyos na negosyante sa Marawi City dahil sa pagalabag sa
RA 10591 o ang " Comprehensive law on Firearms and Ammunition".
Ito ay matapos ikasa ng Lanao del Sur Police ang buy-bust operation laban sa negosyante sa Barangay Panggao Saduc, Marawi City, a trenta ng Abril
Narekober ng otoridad mula sa posesyon nito ang
25 piraso ng bala ng cal .45
2 piraso ng 500 peso bills bilang marked money
10 piraso ngsealed transparent plastic na naglalaman ng 100 rounds ng 5.56 ammunition kasa isa at may kabuuang bilang 1,000 rounds
10 karton ng mga bala ng 9mm na naglalaman ng 50 rounds kada karton o at mayroong kabuuang bilang na 500 rounds ng mga bala
1 karton ng bala ng 9mm n naglalaman ng 40 rounds
5 karton ng bala ng cal .45 na naglalaman ng 50 rounds kasa isang karton
1 karton ng bal ang cal .45 na naglalaman ng 21 rounds
2 karton ng bala ng cal .40 na naglalaman ng 50 rounds kada isa
1 magazine ng 9mm na mayroong 10 rounds na bala
1 magazine ng m16 na mayroong 16 rounds ng 5.56 na bala
at 1 Philhealth ID.
Ang mga nakumpiskang ebidensiya at ang naarestong negosyante ay dinala sa Marawi City Police Station para sa proper documentation at disposition.
Inihahanda na ang pagsasampa ng kaso sa negosyante.