Fiona Fernandez I iMINDSPHILIPPINES

Inaresto ng mga operatiba ng Marawi City Police ang isang negosyante matapos marekober sa pamamahay nito ang mga hindi lisensyadong baril matapos ihain ng otoridad ang search warrant sa kanyang pamamahay kahapon.
Sa ulat mula sa Lanao Del Sur Provincial Police Office, ang suspek ay trentay y singko anyos, na residente ng Barangay Bangco, Marawi City.
Ayon sa pulisya, hindi naman nanlaban si Dipatuan nang iharap sa kanya ang search warrant na inisyu ni Judge Alberto Quinto ng Regional Trial Court Branch 12.
Nakuha mula sa bahay ni Dipatuan ang isang .380-caliber pistol, isang 12-gauge shotgun, at mga bala ng M16 rifle.
Nakakulong ngayon si Dipatuan sa Marawi City Police Station habang inihahanda ang pagsasama ng kaso laban sa kanya sa City Prosecutor's Office.
End