Mr. Jay M. Lasola Jr. | iNEWS Phils | March 17, 2022

Photo courtesy : Philippine Airlines
Cotabato City, Philippines- Matapos malampasan ang financial challenges noong nakalipas na taon dahil sa Covid 19 Pandemic, ang flag carrier na Philippine Airlines ay naniniwala na muli itong makabangon at magiging malakas ngayong 2022, kung saan binuksan ang planong network expansion, digital innovation, at maraming cargo-driven strategy.
Ito ay ayon kay CEO Lucio Tan. Ani tan, mas pagagandahin at palalakasin pa umano nila ang kanilang pagbibigay ng serbisyo upang magustuhan at mamahalin pa sila lalo ng kanilang mga customer at nang makatulong na rin sa paglago ng ekonomiya ng bansa.
Sa muling pagbubukas ng International borders at ang pagpaluwag ng local travel restrictions, babaguhin ng flag carrier ang PAL Mabuhay Miles para sa mga frequent flyers, mas palalakihin pa ito para duon sa non-flying activities. Digital innovations ngayong 2022 at pinakamalaking sales sa 81st Anniversary ay ang Seat Sale kung saan $81 para sa international flight at P181 para sa domestic flights kung saan maari itong bilhin hanggang March 21.
End.