No Movement Sunday, hindi na ipapatupad sa Cotabato City simula ngayong Linggo
Kate Dayawan | iNews | November 2, 2021
Cotabato City, Philippines - Ito ang inanunsyo kagabi ni Cotabato City Mayor Atty. Frances Cynthia Guiani-Sayadi sa pamamagitan ng kanyang Facebook page na CM Atty. Cyn in Action Cotabato City.
Simula November 7 ay hindi na ipapatupad sa lungsod ang No Movement Sunday Policy.
Ayon sa alkalde, naging basehan ng hakbang ay ang unti-unting pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa lungsod.
Batay kasi sa data na inilabas ng Office of Health Services, as of October 31, mayroon na lamang 145 na aktibo kaso ang naitala dito sa lungsod.
Sinabi ng alkalde na malaki ang tulong ng bakuna upang mapababa ang kaso ng COVID-19 sa Cotabato City.
[Pause for SOT]
Mayor Atty. Frances Cynthia Sayadi
(Sa ngayon, nasa mahigit 50,000 katao na ang fully vaccinated dito sa Cotabato City...
at nasa 60,000 pa ang nakatanggap ng kanilang first dose)
Kasabay ng Contact Tracing ay ang mas pinaigting din ng City LGU ang pagbabakuna at nagdagdag ng mga vaccination sites sa lungsod.
Nakatakda na ring simulan sa lungsod ang pagbabakuna sa mga batang nag-eedad 12 hanggang 17 taong gulang at hinihintay na lamang umano ang mga bakuna na maaaring ibigay sa mga ito mula sa Department of Health.
Simula ngayong darating na linggo, bukas na ang establishimento at maari nang makalabas ng bahay.
Ngunit sa kabila ng pagtanggal ng No Movement Sunday, hinihiniling pa rin ng alkalde sa mga Cotabateño na h’wag ipagsawalang bahala ang pagsunod sa minimum health standards.
Panawagan ng alkalde ang pagtutulungan ng lahat upang tuluyan nang masugpo ang COVID-19. Konting tiis na lamang aniya at tutungo na ang lungsod sa tinatawag na "new normal".
Patuloy rin ang panghihikayat nito sa mga Cotabateño na magpabakuna na kontra COVID-19 at nang makamit ang herd immunity.
