top of page

"NO VACCINATION CARD, NO ENTRY", FAKE NEWS AYON KAY MAGUINDANAO PROVINCIAL ADMINISTRATOR BALAYMAN

Amor Sending | iNEWS | November 17, 2021

Photo courtesy : Provincial Administrator Odjie Balayman


Cotabato City, Philippines: SA FACEBOOK POST ni Maguindanao Provincial Administrator Odjie Balayman sinabi nitong FAKE NEWS ang kumakalat na IMPORMASYON hinggil sa "NO VACCINE, NO ENTRY" sa probinsya.


Nilinaw nito na walang ganoong KAUTUSAN na nakasaad sa inilabas ng Lokal na Pamahalaan na Executive order #72.


Bagkus ang "NO VACCINATION CARD, NO ENTRY" POLICY ay para lamang sa mga papasok sa mga government offices at hindi sa mga checkpoints.


Binigyang linaw rin ng opisyal na ang paghahanap ng Vaccination card ng PNP at AFP sa bawat check point ay suporta lamang ng bilang mga miyembro ng Provincial IATF on COVID-19 sa hangaring tumaas ang vaccination rate sa Probinsya. Ngunit hindi umano ibig sabihin na hindi na pwedeng dumaan ang mga hindi pa nababakunahan sa Probinsya.


Dagdag pa nito, na kinakailangan pa rin umanon magpakuna, bagaman hindi ito mandatory.

46 views
bottom of page