Weather | iNEWS | October 19, 2021
Cotabato City, Philippines - Patuloy pa ring umiiral ngayon ang Northeasterly Surface Windflow sa may dulong hilagang luzon
Makakaranas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may mga isolated light rains sa Batanes at Babuyan Islands.
Bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin rin na may mga pulo-pulong pag-ulan at thunderstorms sa nalalabing bahagi ng bansa.
Para sa pagtaya ng panahon sa Cotabato City bukas, papalo ang agwat ng temperatura mula 23 hanggang 32 degree celsius at 90 percent ang chance of rain.
Sa Maguindanao papalo mula 23-32 degree celsius ang agwat ng temperatura at 100 percent ang tsansa ng pag ulan.
Sa South Cotabato, maglalaro ang temperatura mula 22-31 degree celsius at 100 percent ang chance of rain.
Sa North Cotabato papalo ang temperatura mula 23-31 degree celsius at 100 percent chance of rain.
Sa Zamboanga City papalo ang temperatura mula 25 to 30 degree celsius at 90% ang tsansang uulan.
Habang sa Lanao del Sur naman papalo ang temperatura mula 17 to 26 degree celsius at 100% ang tsansa na uulan
Ang araw ay sumikat 5:29 ng umaga at lulubog 5:24 ng gabi.
