top of page

NOTORIOUS ROBBERY-HOLD UP SUSPECT SA COTABATO CITY, ARESTADO NG PNP

iMINDS Philippines | February 14, 2022

Photo courtesy : PRO BAR


Cotabato City, Philippines - Kalaboso ang isang trenta y uno anyos na lalaki sa isinagawang pursuit operation ng mga elemento ng Cotabato City PNP matapos maiulat ang isang insidente ng robbery-hold up sa San Juan Street, Barangay Rosary Heights 13, Cotabato City, biyernes ng gabi.


Narekober ng otoridad mula sa naarestong lalaki ang isang cellphone ng biniktima nito.


Ang suspek ay residente ng San Pablo Village, Barangay Rosary Heights 11, Cotabato City.


Bukod sa nabawing cellphone, narekober din mula sa suspek ang isang unit ng caliber .45 ARMSCOR pistol na may serial number 521384 at mayroong isang assembly magazine na may pitong bala.


Inihahanda na ng otoridad ang paghahain ng kaso laban sa naaresto.


Nanawagan naman si PNP BARMM Regional Director, Police Brigadier General Arthur Cabalona sa publiko at Local Government Units na suporthan ang laban ng PNP kontra krimen upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa BARMM.


End



4 views
bottom of page