Kate Dayawan | iNEWS | November 23, 2021

Photo courtesy : 6th Infantry Division - Kampilan
Cotabato City, Philippines - Nagbalik-loob sa gobyerno ang isang Sub-Commander at Assistant Commander ng New People's Army sa 37th Infantry Battalion sa Camp BGen. Cesar Betita, Barangay Tibpuan, Lebak, Sultan Kudarat.
Ang mga ito ay napabilang sa Platoon Cherry Mobile, SRC Daguma, Far South Mindanao Region.
Bitbit ng dalawa sa kanilang pagsuko ang isang 7.62mm rifle at isang Cal .30 Carbine M1 rifle.
Ayon kay Lt. Col. Allen Van Estrera, Commander ng 37IB, na ang pagsuko ng dalawa ay resulta ng serye ng Community Support Program at Focused Military Operations na isinasagawa ng Joint Task Force Central.
Pinuri naman ni MGen. Juvymax Uy, Commander ng JTFC at 6th Infantry Division, sa pagsisikap ng mga tropa at lokal na pamahalaan ng Sultan Kudarat sa kanilang patuloy na pagsuporta sa kampanya kontra terorismo sa kanilang bayan.