top of page

Nursing attendant ng CRMC, nasawi dahil sa Covid-19

Kristine Carzo | iNEWS | September 20, 2021


Cotabato City, Philippines - Kinumpirma mismo sa Iminds Philippines ni CRMC Public Health Head at Safety Committee Chair, Dr. John O. Maliga na isang 38- year old na babaeng nursing attendant ng ospital ang nasawi dahil sa COVID-19.


Ito ang kauna-unahang health worker ng ospital na nasawi sa COVID-19.


Ayon kay Dr. Maliga ang nursing attendant ay pumanaw pasado alas sais umaga araw ng sabado habang ito ay naka confine sa TB Isolation covid ward ng CRMC matapos magpositibo sa Covid-19.


Base sa rekord ng ospital, naka-assign sa Delivery Room ng ospital nursing attendant. September 6, 2021 nang tumanggap ito ng unang dose ng COVID-19 VACCINE at September 13, 2021 nang magpositibo ito sa sakit.


Sa kasalukuyan, mayroon pang 31 health workers ng CRMC ang naka admit sa ospital matapos magpositibo sa covid-19.


Mahigpit na tinututukan ng mga doktor ng ospital ang mga health workers na nagpositibo sa sakit.




58 views
bottom of page