OATH-TAKING SA MALACANANG

Para sa kapayapaan, pagkakaisa, pagkakasundo, at empowerment, pormal nang nanumpa sa kanilang tungkulin ang mga opisyal ng Maguindanao del Sur at Maguindanao del Norte sa Palasyo ng Malacanang. Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang oath-taking.
Nanumpa kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang mga opisyal ng Magindanao del Sur at Maguindanao del Norte, araw ng Biyernes, Abril a bente otoso.
Pamumunuan ni Governor Bai Mariam Sangki-Mangudadatu ang Maguindanao del Sur.
Nanumpa sa tungkulin ang mga kasama ng gobernador na mamumuno sa lalawigan na kinabibilangan nina Nathaniel Midtimbang bilang Vice Governor.
Bobby Bondula Midtimbang bilang board member, gayundin sina Ahmil Hussein Macapendeg, Yussef Abubakar Musali Paglas, Alonto Montamal Baghulit, at Taharudin Nul Mlor.
Sa Maguindanao del Norte-
Nanumpa si Abdulraof Macacua bilang governor.
Bai Ainee Sinsuat bilang Vice Governor.
Sa hanay ng mga board members, nanumpa rin sina Mashur Ampatuan Biruar, Datu Rommel Seismundo Sinsuat, Alexa Ashley Tomawis, at Aldulnasser Maliga Abas.
Ang dating alkalde ng Sultan Mastura na si Armando Mastura ang isa pang board member na nanumpa sa kanyang tungkulin.
Pinalitan nito si elected board member Sharifudin Mastura.
Sinabi ni Pangulong Ferdinand R Marcos Jr. na prayoridad ng kanyang administrasyon ang pagpapaunlad sa dalawang bagong tatag na probinsya.